Abante Tonite Interactive

Rachelle Ann kinilig kay Prince Harry

1,190
tonite-pak-allan-dionesPinilit ma­ging kalmado ni Rachelle Ann Go, pero halatang kinilig siya nang makaharap si Prince Harry.
“I tried to be calm…” ang caption ni Rachelle Ann sa pinost niyang pic sa Instagram Stories, na nagsasalita sa may harap niya ang prinsipe ng Inglatera.
Nagkaroon kasi ng special gala performance ang ‘Hamilton’ West End the other night para mag-raise ng funds for Sentebale, isang charity organization na itinatag ng Duke of Sussex na tumutulong sa mga bata at young people affected by HIV/AIDS sa Southern Africa.
May nakita kaming video na kinakausap ni Prince Harry at ng Duchess of Sussex na si Meghan Markle ang cast ng ‘Hamilton’ musical after the show.
Meron ding masayang clip na bumanat ng isang line ng kanta si Prince Harry at tuwang-tuwa ang ‘Hamilton’ cast kabilang na ang creator nito na si Lin-Manuel Miranda na present din that night.
May pinost ding group pic si Shin (palayaw ng singer-actress) na kasama ng cast ang mag-asawang Harry at Meghan.
“Grateful to be a part of this family,” ang sey ni Shin sa isa niyang IGS pic na kasama nila sa stage at nagsasalita si Prince Harry.
Talaga namang magiging grateful si Shin dahil bukod sa big hit ang nasabing musical sa London, kung hindi mga sikat na celebrity ay mga miyembro ng royal family ang bumibisita at nanonood sa kanila sa Victoria Palace Theatre.
***

Juday-Ryan nanghimasok sa lovelife ni KC

Maraming natutuwa for KC Concepcion na happy ito sa piling ng nakabalikang French boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.
Dati nang nakarelasyon ni KC ang Pran­ses na film producer-businessman at nag-reconcile sila officially nitong Agosto.
Birthday ni Pierre kahapon at pinalipad nito si KC pa-Paris para makasama nito on his special day.
“HAPPY BIRTHDAY to the truest gentleman I know. He taught me how to be a lady & allow a man to pour the bottles of water or wine, he eats AFTER I take my first bite, he still kindly opens doors, speaks gently, argues fair, is wildly affectionate & respects all that I am. Chivalry is NOT dead!
“Thank you for flying me over & ha­ving me here in Paris with you for this special day, I appreciate you & all you do, in every­ language we speak together!” ang sweet birthday post ni KC for her boyfie, na sa IG pic ay kayakap niya habang kini-kiss siya nito sa pisngi sa may kalye ng Place Furstemberg sa Paris.
Suot ni KC sa birthday dinner ni Pierre ang singsing na siya mismo ang nag-design, mula sa sarili niyang jewelry line na Avec Moi by Kristina.
Ni-repost ni KC sa kanyang IGS ‘yung nakakatuwang video ni Judy Ann Santos sa asawang si Ryan Agoncillo habang nagpapa-beauty treatment ang dalawa sa Aivee clinic.
Sey ni Ryan habang pinapahiran ng something sa mukha, pinapanood niya sa kanyang fone ang lovelife ni KC. Ang sweet daw.
Tanong ni Juday, “Happy ka?” na sinagot ni Ryan ng, “Basta happy siya!” Itinag ni Juday kay KC ang IGS na ‘yon na nilagyan niya ng caption na, “Basta happy ka, baby galunggong!”
Tawang-tawa si KC sa cute video nina Juday at Ryan na ‘mars’ ang tawagan.
Ang madir ni KC na si Sharon Cuneta ay dati nang nakilala si Pierre at open si Mega sa pagsasabing boto ito sa nasabing French guy.
Sa edad na 33-anyos ay maraming nagsasabing panahon na para mag-asawa si KC, na tila kuntento na sa kanyang private life at matagal nang hindi busy sa kanyang showbiz career.