Abante Tonite Interactive

RACHELLE ANN, MALIIT NA KASAL ANG GUSTO

By
15

HAVEY: Nag-celebrate ng birthday si Rachelle Ann Go rito sa ating bansa and she spent some time with her family and friends in their recently acquired and newly furnished residence in a subdivision in Pasig.

Sa September 9, lilipad na naman siya pa­puntang London.

And London, as we all know is Shin’s (Rachelle Ann’s nickname) second home. Dito siya unang kinupkop ng international theater scene bilang Gigi sa Miss Saigon.

Abante Hiring – IT dep

Soon she will be rehearsing for the award-winning musical na Ha­milton na magsisimula sa December.

Dahil sa magandang lead lady role niya rito, hindi ko maiwasang pa­ngarapin na sana pagpa­lain si Shin na mabigyan ng best actress trophy mula sa Sir Lawrence Olivier Award na nakuha rin ni Lea Salonga noon for Miss Saigon.

Hindi malayong mangyari ‘yun lalo pa’t when Shin sets her sights on something, focused ‘yan, gagalingan niyan at sasabayan ng panalangin!

Isa pang proof niyan ay ang kanyang lovelife.

Ipinagdasal niya ‘yan (pati kaming mga kaibigan niya).

Alam namin ang mga pinagdaanan niya sa kanyang past boyfriends kaya dumating ‘yung time na we were wishing for someone na magiging mabuti sa kanya – ‘yung God-fearing at family-oriented at tunay na inspiring sa kanya para maging excellent at lalo pang mabuting tao at Kristiyano, at ‘yun ang ibinigay sa kanya.

Si Martin Spies ang bagong inspirasyon ni Shin na nakilala niya sa New York at naipakilala na rin niya sa kanyang pamilya.

He must have come at a perfect time na established na si Shin with a lot of achievements in her field at naayos na niya ang bahay para sa kanyang pamilya.

So, do we see Shin settling down anytime soon?

Mukhang pagbubutihan niya muna sa Ha­milton. Pero sa totoo lang, sumasagi rin sa isip niya ang posibilidad ng pag-aasawa na.

Kahit sinong seryoso sa relasyon ay iniisip at pinaghahandaan ‘yun!

“Pero if ever, baka core family lang talaga ang nasa wedding ceremonies tapos super party na lang after with the friends later. Simple and solemn ceremony lang talaga,” ang sabi sa akin ni Shin.

Right now, vacation mode pa rin si Shin bilang pagre-recharge para sa kanyang major West End role na kasunod.

***

WALEY: Waley nang makakapigil sa Pasko. Since simula na ang BER months — ngayong September na, gusto nating bigyan daan ang 10 wishes natin bago matapos ang taon.

1 Sana, pagkatapos ng Star Awards for Movies this weekend, pag-isahin na ang indie at mainstream films sa isang ka­tegorya dahil ang pelikula ay pelikula, at binubuwag na ang pagkakahati ng indie at mainstream.

2 Sana, mas mara­ming pelikulang Pilipino na ang kumita sa takilya.

3 Sana, maging ma­ganda ang pagkakagawa ng unang apat na pelikula para sa Metro Manila Film Festival.

4 Sana, mapanood na natin ang mga obra nina Chito Roño, Raya Martin, Loy Arcenas at Mike de Leon bago matapos ang taon.

5 Sana, maging mas matapang ang media sa pag-e-expose at kondena sa fake news at ang mga nagpapakalat nito.

Jake Zyrus
Jake Zyrus

6 Sana, maging mabait ang mga tao sa mga nag-a-out na mga celebrity at imbes na mawasak ang pamilya tulad ng nangyari kay Jake Zyrus, mas maganda pa ang mundo sa mga nagpapakatotoo.

7 Sana, kumita at tangkilikin ang concerts ng mga Pinoy icons katulad ng pagsuporta ng mga kababayan natin sa mga foreign artists. Good luck kina Regine Velasquez, Pilita Corrales at Rico J. Puno.

8 Sana, ‘yung mga maglalabas ng libro na mga celebrity ay may maiiambag na dagdag na kaalaman at inspirasyon sa mga magbabasa rito hindi ‘yung pang-aliw lamang. Sana, mailagay ang mga ito sa library na makabuluhang balik-balikan.

9 Sana, maibalik ang celebrity talk shows sa telebisyon at higit sa balita, may isang format na maglalabas ng ibang bahagi ng mga buhay-artista.

10 Dasal ko pa rin na magkaroon ng isang project na magsasama-sama ang mga artista na walang kulay pulitika. Ipakita natin sa bayan na puwede tayong magkaisa kung hihingin ng panahon at pagkakataon.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.