Abante Tonite Interactive

Rachelle, nakakapangilabot sa London concert

129

TUMAAS ang curiosity ng mga tao kung paano na si Melai Cantiveros pagkatapos ng napabalitang hiwalayaan nila ng asawang Jason Francisco.

Tuloy, tumutok kahapon ang mga tao sa morning program niya with Jolina Magdangal and Karla Estrada na Magandang Buhay.

Mahusay magdala ng problema si Melai dahil maayos niya pa ring nagagampanan ang kanyang trabaho kahit may pinagdadaanan siya.

Ang napansin tuloy ng mga tao ay ang biglang pagtigil at pagka-stuck ng airing ng programa noong interview ng hosts kay Bugoy Cariño habang nagluluto at sumasayaw with his mom na sobrang talented din pala.

It took a while bago naibalik ang regular programming.
Anyare?

***

Bongga at nakakapangilabot ang performance ng ating West End star na si Rachelle Ann Go sa Hillsong Concert sa O2 Arena sa London.

Sana, after West End ay matuloy na sa Broadway si Rachelle Ann.

Heart, nawala na ang hiya kay Dennis

Na-overcome na ni Heart Evangelista-Escudero ang hiya sa tuwing may naughty scenes nila ni Dennis Trillo sa Juan Happy Love Story.

Madali na para sa kanya na maitawid ang kissing scenes.

“I’m better. Hindi na ako masyadong nahihiya makipag-kissing scene sa kanya.
“Nasanay na ako. Dati kasi, sobrang hindi ko kaya. Nakapag- adjust na ako.

“Very natural na kami ngayon,” sabi ni Heart.

Natutuwa si Heart dahil ang dami niyang natatanggap na positive feedback mula sa netizens and avid viewers ng kanilang show.

Kahit nasa mall siya ay may lumalapit sa kanya para magkuwento tungkol sa kanilang programa.

***

Mamayang gabi na ang grand finals ng Last Man Standing 2016 sa One 690, #39 Roces Av., Quezon City.

Kabilang sa 20 pogilicious finalists sina Jaydan Lapira, Archie Guevarra Manalili, Jhon Mark Marcia (dating Bodyshots finalist), Dave Franco at Anton Tanhueco.

Yummylicious din sina Mark Miguel, JM de la Cruz, Ron Malicad (indie actor), Denver Argana, Joshua Zamora, Aaron Paul Garcia at Rayver de Vera.

***

Dadayo ang mga Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Glaiza de Castro ngayong weekend sa GenSan City.

Kasama nila ang co-stars sa Encantadia na sina Rocco Nacino at Ruru Madrid sa Kapuso Mall Show bukas (Sabado) nang 5:00 PM sa Convention and Events Center ng KCC Mall.

***

Kung hindi tuloy ang tambalang Alden at Jennylyn Mercado sa teleserye, balitang si Jennylyn ay magiging host ng bagong show ng GMA7 na Superstar Duets.

Good luck!

Sana, superstars nga ang kasali at hindi superstarlets.