Abante Tonite Interactive

RACING FEATURE: Balanced lineup

By
177

Nitong nagdaang buwan ng Disyembre ay kinakitaan ng kasigla­han ang tatlong karerahan lalo pa nga’t sunud-sunod ang mga sponsored races k­abi-kabila.

Hitik ang maraming karera ng mga balansyadong lineup na nagresulta sa malalaking grose at dibidendo.

Marami ngayon ang nagtatanong sa pagpasok ng Bagong Taon kung ang mga nakitang exciting lineup ng mga karera ng nagdaang buwan ay mauulit pa ba ngayong Enero o sa mga susunod pang mga buwan?

Magandang tanong yan dahil nakita na ng bayang karerista na puwede rin naman palang magkaroon ng ganung mga balanced lineup na kinakitaan ng matitinding aksyon sa pista.

Dahil sa magandang kinalabasan ng mga nasabing balanced lineup, hindi naman mahirap ulitin ang mga ito lalo na’t may mga insentibong puwedeng mailagay sa mga ito ang ating awtoridad.

Imbes daw na ilagay sa mga major stakes races na kung saan halos tatlo o lima lang ang naglalaban sa multi-milyong pisong papremyo, mas maganda kung lalagyan ng mga added P50,000 ang mga piling karerang mabubuo na balansyado ang lineup.

Mahirap nang mangyari ngayon dahil ang ira­rason ay nagawa na ang mga major races sa buong taon at naipamudmod na sa tatlong karerahan. Pero, marami  ang nagsasabing ano ba naman ang mga added P50,000 para sa primero, segundo at tersero kung ganda naman ng karera ang atraksyon para maakit manaya ang mga bayang karerista?