Abante Tonite Interactive

RACING FEATURE: Big-time stakes races

116

Pagpasok ng mga ‘Ber months, asahan na rin ang malalaking pakarera buwan-buwan hanggang Disyembre.

Kahapon ay pinaglabanan na ang JRA Cup, isang goodwill exchange race sa pagitan ng bansang Japan at Pilipinas. Inaasahan namang matindi ang labanan ng mga 3-year-old fillies sa Lakambini Stakes na 11 kabayo ang nominated.

Ang Lakambini Stakes ay labanan ng mga 3-year-old fillies habang halu-halong babaing kabayo ang maglalaban sa Sampaguita Stakes, kaya ito ang tinatawag na kampeonato ng mga babaing kabayo.

Magpapaligsahan din ang tatlong horse owners group sa pagpapakarera nila buwan-buwan.

Ang Klub Don Juan de Manila ay sa Oktubre magdaraos ng KDJM Derby habang ang Marho ay magpapakarera ng Breeders’ Cup Cham­pionships sa Nobyembre. Sa Disyembre ang Philtobo na ang pinakasentro ay ang Philtobo 2-Year-Old Championship.

Sa Nobyembre rin gaganapin ang Amb. Danding Cojuangco Cup na kampeonato ng mga imported at local runners sa bansa at may P2-million prize mo­ney na nakalaan dito.

Sa Disyembre ay gaganapin din ang pinakaprestihiyosong Presidential Gold Cup na mahigit P5-million na ang total prize money.

Kaya huwag na kayong pipikit dahil sunud-sunod na ang mga magaganda at malalaking paprem­yong karera na makikita natin sa tatlong karerahan.