Abante Tonite Interactive

Racing feature: Jockeys competition

120

Nitong nakaraang Japan Racing Festival sa MetroTurf, marami ang naghangad na makakita ng mga foreign jockeys mula Japan na lumahok laban sa Filipino counterparts.

Maganda sana ito pero malaking logistics at pondo ang kailangan para maganap sa ating karerahan kapag nag-imbita tayo ng foreign riders.

Huling nakita ito ilang panahon na ang nakaraan nang tatlong Australian jockeys ang sumali laban sa local riders natin, kaya talagang putok ang karerahan sa mga manonood.

Ito sana ang ginagawa ng ating mga awtoridad sa karera para lalo pang mapalago ang ­industriya at makaakit ng mas ma­raming racing fans.

Dahil sa laki ng pondong kailangan para sa titirahan, kakainin, segu­ridad at riding fees ng mga foreign jockeys na dadalo sa isang pagtitipon kagaya ng ginagawa noon tuwing may Asian Racing Conference, itinigil na ito ng mga organizers.

Maging ang Asian Jockeys Competition na laging ginagawa sa Macau ay natigil na rin dahil sa kakula­ngan ng pera at sponsors.

Pero malaki ang naidu­dulot na impact nito sa karerahan dahil talagang dinudumog ng tao ang labanan ng kanilang mga idolo at imported riders. Sino ang magagaling, tiyak na tutukuyin nila ng personal sa loob ng karerahan.

Noong kasagsagan ng aksyon sa pista habang ginaganap ang JRA Cup ay napansin natin ang isang grupo na bisita ng pamil­yang Yamzon — si Bryan at Breinell — na parehong nangangampan­ya sa ­Japan at Macau. Isang horse ow­ner at isang sikat na hinete sa Macau ang naroon at nakihalubilo sa mga bisita ng MetroTurf.

Tiyak na nakita nila kung paanong magkarera dito sa Pilipinas at sa tingin natin ay puwedeng sumakay itong sikat na hinete ng Macau dito sa mga darating na panahon.