Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Racquel binida si Boss Emong

0 83

Diskarteng abang ang ginawa ni class A jockey Fernando Raquel Jr. upang rendahan si Boss Emong sa panalo sa Philracom Chairman’s Cup sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas Linggo.

Ipinuwesto ng veteran jockey ang 2019 second leg Triple Crown winner sa segundo puwesto, hinayaang mauna ng hanggang walong kabayo si Sky Shot sa largahan. Papalapit ng far turn malaki pa rin ang lamang ni Sky Shot kay Boss Emong, pero kumapit na sa tersero si Super Swerte.

SM food to go Banner Ad

Hindi nasiraan ng loob ang hinete ng winning horse na sinabayan ang lakas ni Super Swerte at pagdating ng huling kurbada sinunggaban ang unahan para magwagi na ulo lang ang pagitan sa 1,800-meter event, at nasilo ni horseowner Edward Diokno ang P1.2M premyo.

Nagrehistro si Boss Emong ng 1 minuto at 52.4 segundo sa karerang suportado ng Philippine Racing Commission. Hinamig ni Super Swerte ang P400K, napunta kay Pangalusian Island ang P200K at kay Heneral Kalentong ang P100,000 na second, third at fourth placers. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.