Abante Tonite Interactive

Racraquin isinampa ang Beda sa Final 4

By
187

Pasok na sa semifinals ng NCAA 94 women’s volleyball ang San Beda Red Spikers matapos walisin ang San Sebastian Lady Stags 25-20, 25-15, 25-18 sa likod ng 14 points ni Cesca Racraquin Martes sa The Arena sa San Juan City.

Ikalawang tropa na ang San Beda na nakapasok sa semifinals kasabay ng pagsikwat ng Arellano University sa unang semis spot.

Sumukli kay Racraquin ang magkapatid na kambal na sina Nieza at Jeziela Viray ng siyam na puntos.

Wala pang isang oras ang tinagal ng laro at pinakita ng Red Spikers ang dominasyon sa depensa upang mapuwersa ang Lady Stags ng 31 unforced errors.

Laglag ang Baste sa ikalimang puwesto tangan ang 4-3 na baraha sa elims at kinakailangang maipanalo ang huling laro para makahabol sa Final Four.

Sa panghimagas na sultada, buhay pa ang Saint Benilde Lady Blazers sa Final Four nang pasabugin ang Rizal Lady Bombers, 20-25, 25-17, 25-20, 25-22.

Nasa ikatlong puwesto ngayon Lady Blazers hawak ang 6-1, isang panalo ang layo sa pa-F4.

Pinangunahan ni Klarisa Abriam ang CSB sa pinalong 17 puntos at 22 digs at ayuda si Jan Daquil ng 14 puntos. Naka-12 pts si Rachel Austero na nagpadausdos sa JRU sa 4-4 at nanganganib na makahabol sa next phase.