Abante Tonite Interactive

Radio announcer tinodas ng tandem

387

Patay ang isang radio announcer na tuma­takbo sa pagkakonsehal sa 2019 midterm election matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem kahapon nang madaling-araw sa La Libertad, Negros Oriental.

Nagtamo ng 13 tama ng bala ng kalibre .45 at 9 mm na baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang nakilalang si Gabriel Alburo, kilala bilang Kumander Agila ng DYCL Light Radio.

Sa ulat, naganap ang pamamaslang dakong alas-3:05 nang mada­ling-araw sa kahabaan ng highway na sakop ng Brgy. Poblacion.

Abante Hiring – IT dep

Galing umano sa sabungan ang biktima at pauwi na sana sa kanilang bahay sa Guihulngan City sakay ng kanyang motorsiklo nang pagbabarilin. Agad namang tumakas ang mga suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa politika ang pamamaslang o mayroon itong nakaalitan sa sabungan. (Edwin Balasa)