Abante Tonite Interactive

Radio commentator todas sa pananaksak

344

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang dispatcher ng jeep matapos saksakin sa dibdib ang isang radio commentator habang nasa labas ng istasyon sa Brgy. New Society, Butuan Sabado nang umaga.

Kinilala ang suspek na si Ola Saramsamen, na agad tumakas makaraang saksakin si Fancis Patindol, commentator ng dxJM radio station.

Dinala pa sa pagamutan si Patin­dol subalit namatay din dahil sa lalim umano ng tinamong saksak sa dibdib. (Vick Aquino)