Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Radio Gaga liyamado

0 128

MAGANDA ang mga takbo ni Radio Gaga kaya posibleng siya ang maging horse-to-beat sa 2020 Philracom 3-Year-Old Locally Bred Stakes Race na ilalarga ngayong araw sa san Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

May distansyang 1,600 metro ang nasabing malaking karera, rerendahan ni class A jockey Rodeo Fernandez si Radio Gaga.

Inaasahang mapapalaban si Radio Gaga kina Calbayog at I Love Ninetyseven sa event na nakalaan ang P300,000 sa owner ng unang kabayong tatawid sa meta.

SM food to go Banner Ad

Ayon sa mga ibang karerista, malaki rin ang tsansa ng mga dehadong tulad nina Noon Bell at Sky Shot.

“Magandang karera yan, lahat ng kasali magagaling malaki ang tsansa na manalo ang mga dehadong kabayo,” ani Lamberto Cristobal na 30 taon nang karerista.

Ang ibang kalahok sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission ay sina Stardust, Drummer Girl, Redhead Dancer, Under Pressure, Abetski at Our Secret. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.