Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Radyo Tabloidista: Pagpatay kay Jang ‘nakita’ ng psychic

0 6,549

Bago pa man lumabas ang CCTV footage at nasakote ang isang babaeng suspek ay nabasa na umano sa kanyang mga pangitain ng tinaguriang ‘Nostradamus ng Pilipinas’ na si Jay Costura ang sinapit na kamatayan ng rent-a-car driver na si Jang Lucero na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba City, Laguna.

Inilahad ni Costura sa programang ‘Usisera’ ni Jennifer Go sa Abante Radyo Tabloidista kung paano siyang nakipag-ugnayan kay Lucero sa pamamagitan ng baraha.

“Hindi ako makatulog kasi tingin ako nang tingin sa picture ni Jang tapos lagi kong pinapanood ‘yong news niya. And then may pinaamoy siya sa akin, alak, so ibig sabihin it’s either nakainom siya o nakainom ang gumawa sa kanya or may inuman talagang naganap,” ani Costura.

May hawak na rosary, ipinakita ni Costura kung paano niyang tawagin ang presensiya ni Lucero sa pamamagitan ng tarot card upang ipasalaysay dito ang kamatayang sinapit.

“Ang pinapakita sa aking mga baraha may babae at lalaki pero may tatlong bilang. Iniisip ko kung lima sila o tatlo ba pero may pinapakita ditong numbers. May babae at may lalaki. Ito ay maaaring kakilala. Kakilala dahil sa hearts so may emotions..so maaaring kakilala,” ani Costura.

“May heart na pinapakita, representation ng mahal sa buhay o relationship. May death card, magkatabi, ibig sabihin ang pumtay sa kanya ay kakilala o malapit sa puso,” aniya pa.

Nabasa rin ni Costura sa mga baraha na mayroon aniyang nagmamakaawa na tao at maaaring si Lucero ito. Matinding selos, galit, masamang binabalak o poot ang posibleng dahilan aniya ng pagpatay kay Lucero.

“She’s asking for justice. Kung mapapansin nyo (isang tarot card) maaaring napagplanuhan o napag-usapan. Maaaring may nakasunod sa likuran o maaaring may nakamasid sa kanila. Kayo na ang humusga basta ito ay maaaring kakilala niya, maaaring nakasama niya. Kayo na po ang humusga,” ani Costura.

Bago pa man umano niya ginawa ito ay maraming netizen na ang nagtatanong sa kanya tungkol kay Lucero. Panoorin ang kabuoan ng panayam kay Costura sa Facebook at YouTube account ng Abante Radyo Tabloidista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.