Abante Tonite Interactive

Rafael 5 taon nang nagdurusa sa ipinapatayong bahay

By
8,786

KAMI ang nakaramdam ng awa sa Kapuso actor na si Rafael Rosell dahil sa hindi na niya napigilang ikuwento ang hindi magandang karanasan niya sa loob ng limang taon.

Kaloka na five years in the making na pala ang ipinapatayong bahay niya sa Antipolo, City. Apat na taon na raw siyang nagpaplano tuwing darating ang Kapaskuhan na sa bahay sana niya magpa-Pasko ang pamilya niya from different parts of the world. Kaso ‘yun nga, apat na taon na rin na nade-delay ng construction ang nakuha nilang bahay.

Ngayon daw, 98% na itong tapos, pero ang bago niyang problema, ang Meralco naman. October pa raw silang nag-apply at sinabi naman na in a month at bago mag-Pasko, meron na, yet until now, wala pa rin.

Abante Hiring – IT dep

Considered ni Rafael na napakaraming heartaches daw ang 2017 sa kanya in-terms of personal and investment and learnings, too.

Pero pagdating sa career, it was a good year for the Kapuso actor, mainly because of their successful afternoon series na Impostora.

Malapit na itong magwakas ngayong February, pero matagal din itong umere at isa sa maituturing na matagumpay na panghapong serye ng GMA.

‘Hindi ako susuko!’ – JM de Guzman

HINDI pala si JM de Guzman ang nagpo-post sa Instagram account niya sa loob ng nakaraang dalawang taon at isang buwan. Ang daddy niya pala ang nagpo-post at nag-a-update nito, lalo na noong nasa loob pa siya ng rehab.

Ni-reveal ito mismo ni JM nang maibalik na raw sa kanya ang account niya at finally, siya na ngayon ang nagma-manage, four days ago.

Pinasalamat nito ang daddy niya at sey pa niya, “Today, I’m allowed to use social media at last!”

Ilan sa mga recent postings ni JM na tila gustong ihatid sa lahat kung paano siya muling tumatayo sa mga pinagdaanan na, may hashtag na self made at caption na One Day At a time.

Sana nga, katulad ng isa sa post niya na isa siyang fighter at lalaban at lalaban siya kahit ilang beses na madapa.

Aniya, “I’m a fighter, I will not give up. I will stumble & I will fall but I will stand back up. It might take longer at times but I will stand back up and keep fighting!”