Abante Tonite Interactive

Rafael ayaw bitawan ng GMA

By
3,610

LAST taping day ngayon ng Impostora. Umaasa ang production staff na matatapos nilang kunan ngayon ang lahat ng mga sequence sa kanilang script.

Over budget na raw kasi ang Impostora at hindi na puwedeng magdagdag pa ng taping days.

Hanggang sa February 9 pa ang airing nila.

Matatapos nga pala ang Impostora na hindi kinailangang i-link sa isa’t isa ang mga bidang sina Kris Bernal at Rafael Rosell. Si Kris ay may non-showbiz businessman-boyfriend na ayaw niyang i-reveal ang identity (pero hinding-hindi ito DOM) at si Rafael naman, matagal na ang relasyon sa kanyang non-showbiz girlfriend na hindi rin niya masyadong inire-reveal in public.

Sabi nga pala ni Rafael, baka magkaroon kaagad siya ng bagong series sa GMA 7 dahil hanggang sa August pa ang exclusive contract niya sa Kapuso network.

“Guaranteed kasi ang contract ko, so, kesa bayaran lang ako na walang trabaho, baka hanapan agad ako ng bagong series ng network,” sabi ng aktor.