Abante Tonite Interactive

Rafael na-turn on kay Ria

0 501

Pagdating sa lalim at pagiging intelihente at sensible na kausap, nasa listahan ang nagbabalik-Kapamilyang si Rafael Rosell.

Bagamat may girlfriend siya ngayong non-showbiz, aminado raw siyang na-turn on siya kay Ria Atayde hindi lang sa ganda kundi dahil sa angking talino nito.

“Yes, I find her intellectually stimulating. Kasi kami ni Ria, my intellectual connection kami. We don’t just talk on the surface. We talk different things like politics, like stuff that should be legal or legalized and a lot of things. Scintillating siyang kausap,” aniya.

Sey pa niya, bilib siya kay Ria dahil marami siyang natututunan dito dahil malawak din ang kaalaman nito sa maraming bagay.

Para sa kanya, gusto rin niyang isang smart at intelihenteng babae ang makakasama niyang partner sa tunay na buhay.

“Importante sa akin na ang makakasama ko sa buhay nang matagal ang may laman ang utak, pero hindi naman siya requirement. Para sa akin, the more na may laman ang utak , mas interesting at iyong pagka-interesting nasasapawan niya ang exterior beauty para sa akin,” paliwanag niya.

Nagbibida si Rafael sa “Parasite Island”, isang drama fantaserye na mapapanood tuwing Linggo ganap na alas-7:00 ng gabi sa ABS-CBN.

Kasama niya sa teleserye si Ria na gumaganap bilang estranged wife niya.

Ito ay sa produksyon ng Dreamscape Entertainment.

Tampok din sa cast sina Desiree del Valle, Liza Lorena, Michael Flores, Bernard Palanca, Zeppi Borromeo, Fino Herrera, Charlie Dizon, Kaori Oinuma, Paulo Angeles, Ian Galliguez at Bianca Manalo. Ito at sa direksyon nina Avel Sunpongco at Richard Arellano. (Archie Liao)