Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raffy bilib kay Ping

0 239

NI: Roldan Castro

Bilib ang senatorial aspirant na si Raffy Tulfo sa pagiging matinong lider ni presidential candidate Senator Ping Lacson.

Dapat malaman ng mga kabataan ang naging kuwento ni idol Raffy kung papaano niya nakita kung gaano katinong opisyal si Lacson. Partikular na noong naging hepe ito ng pulisya noong 1991 hanggang 2001.

Sa isang pagtitipon sa Tanza, Cavite, ikinuwento ni idol Raffy na nagsisimula pa lang siya sa kaniyang public service career bilang brodkaster nang maglabas ng ultimatum si Lacson sa mga pulis. Inutos niya na isauli ang lahat ng carnap vehicles na ginagamit nila.

Matapos daw ang ultimatum, napuno ng mga sasakyan ang Camp Crame. Doon daw nakita ni idol Raffy na mataas ang pagrespeto ng mga pulis kay Ping.

Bukod dito, ginagawa ni Lacson ang kaniyang sinasabi.

Tumatak din kay idol Raffy ang “no kotong” at “no take” policy ni Ping na malaking pakinabang ng mga nasa transport group na madalas mabiktima nga naman ng “buwaya” sa kalye.

Kaya naman nang alukin daw siya nina Lacson at vice presidential aspirant Tito Sotto, na maging kandidatong senador ng kanilang tambalan, aba’y hindi raw nagdalawang-isip na pumayag agad ang frontrunner ngayon sa mga senatorial survey.

Kilalang galit sa korapsyon at mga abusado si Lacson. Ano kaya ang mangyayari kapag siya ang nanalo sa May 2022 elections at naging presidente? Malamang malaluungkot ang mga kurap.

Leave A Reply

Your email address will not be published.