Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raffy, Loren, Alan patok sa Senado

0 70

Virtual tie o halos tabla sa pang-unang puwesto sina broadcaster Raffy Tulfo at dating senador Loren Legarda sa katatapos na Pulse Asia senatorial preference survey.

Humahabol naman sa kanila si Taguig Rep. Alan Peter Cayetano na patuloy din ang pag-angat sa mga survey para sa senatorial election.

Sa naturang survey na ginanap noong Abril 16-21, 2022, nakakuha si Tulfo ng 50.4% voter preference, dikit sa 49.4% na nakuha ni Legarda. Dahil sa isang porsiyentong pagkakaiba, itinuturing ng Pulse Asia na tabla sina Tulfo at Legarda sa pang-una at pangalawang puwesto sa tinatawag na `Magic 12’.

Sinusundan naman ang dalawang lider sa survey nina action star Robin Padilla (42.9%); Taguig Rep. Alan Peter Cayetano (42.3%); Sorsogon Gov. Chiz Escudero (38.6%); Sen. Win Gatchalian (37.0%); Sen. Migz Zubiri (37.0%); dating public works secretary Mark Villar (35.9%); dating senador JV Ejercito (34.3%); dating bise presidente Jojo Binay (32.5%); Sen. Riza Hontiveros (32.3%); at dating senador Jinggoy Estrada (32.3%).

Isang linggo bago ang halalan sa Mayo 9, hindi natitinag sa pinakamataas na puwesto sa iba’t ibang survey si Legarda.

SM food to go Banner Ad

Bukod sa Pulse Asia, nangunguna rin ang beteranong mambabatas sa survey ng OCTA Research at ng Pulso ng Pilipino survey ng The Issues and Advocacy Center (The Center).

Batay sa Pulso ng Pilipino survey, nakuha ni Legarda ang 60% lead sa kabuuang 64 na mga senatorial candidate. Isinagawa ang naturang survey noong Abril 4-15, 2022.

Sa kabuuang 2,440 respondent mula sa National Capital Region, Luzon, Visayas at Mindanao, nanguna si Legarda sa listahan ng mga tumugon sa survey, sumunod lamang si Escudero na may 58 percent.

Sa kabila ng mataas na survey result sinabi ni Legarda na lalo pa niyang pag-iibayuhin ang paglapit sa taumbayan upang maisulong ang kanyang legislative agenda na nakatuon sa pagbangon ng ekonomiya sa harap na rin ng matinding epekto ng COVID-19 pandemic.

Nilahukan ang Pulso Pilipino survey ng mga rehistradong botante mula sa lahat ng antas ng lipunan na ang edad ay mula 18 hanggang 65-anyos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.