Abante Tonite Interactive

Raffy nag-donate ng P1M sa Samar

0 431

NI: ROLDAN CASTRO

Isa sa mga probinsiyang tinamaan ng malakas sa hagupit ni bagyong Ambo ay ang probinsiya ng Easter Samar.

Dahil dito, napilitang humingi ng tulong si Congresswoman Maria Fe Abunda . Isa sa kanyang mga nilapitan ay ang news anchor , veteran radio personality ng TV5/Radyo Singko at isa sa mga popular Youtuber sa bansa na si Raffy Tulfo.

Sa isang text message na pinadala niya ay hindi na nagdalawang isip si Raffy at agad siyang nagpadala ng isang milyong piso sa pamamagitan ng bank to bank transaction.

“Sana, kahit paano, e, nakatulong ‘yan sa mga kababayan natin sa Eastern Samar para may makain sila o may pambili man lang ng kanilang pangangailangan.

“Kung may iba pang pangangailangan, e, mag-text lang ulit sa amin si Cong. at muli kaming tutulong,” sabi pa ni Tulfo sa kanyang naka-upload na Youtube video.

Nakita rin sa naka-upload na video na agad nagpabili ng food packs ang nasabing politiko at pinamahagi sa kanyang mga kababayang nasalanta sa Eastern Samar.

Si Raffy Tulfo ay nabibilang sa mga top Youtube earners sa bansa.

Tonite – Wendys Inhouse Ad