Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raffy takot habulin ng BIR

0 180

Nilinaw ng matapang na public service program host na si Raffy Tulfo na hindi pa siya isang “bilyonaryo” tulad ng nabalita kamakailan.

Aniya, hindi raw magarbo ang kanyang lifestyle dahil nakatira pa rin siya sa isang inuupahang property na luma na.

Dagdag pa niya, hindi pa rin daw tapos ang kanyang ipinagagawang bahay dahil kinapos siya sa budget.

Paliwanag pa niya, mas marami pa rin daw umanong Youtuber na mas malaki ang kita na nakatira sa magagarang mansyon o bahay.

Sey pa niya, kung sakali man daw siyang maging bilyonaryo, ibabahagi raw niya ito sa mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Hirit naman ng ilang netizens, natatakot lang daw umano si “Idol Raffy” na masilip at habulin ng BIR sa kanyang kinikita bilang Youtuber.

Pero sa personalidad ni Raffy, wala naman sa image niya na maging tax evader. Isa siya sa mga personalidad na nagbabayad ng tamang buwis.

Si Raffy Tulfo ay isa sa top Pinoy celebrities na malaki ang kinikita sa pagiging Youtuber na merong more than 15 million subscribers. (Archie Liao)

Leave A Reply

Your email address will not be published.