Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rain sinugod sa bahay

0 330

Noong isang taon pa ay naisulat na namin dito na may mag-asawang senior South Korean ang naniningil ng utang sa ama ni Rain.

Ayon sa mga ito, tumagal na umano ng 20 years ang utang ng kanyang erpat pero hindi nabayaran. Dati raw may cake rice shop ang magulang ni Rain at nakahiram sa kanila ng 25 million KRW.

Na-dismiss na ang complaint na ito ng mag-asawang Senior Korean citizen, pero hindi pa rin dito natapos ang lahat.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumugod sila sa bahay na tinitirhan ni Rain na kasama ang misis niyang si Kim Tae Hee at mga magulang niya. Pero hindi humarap ng ama ng singer-actor, Dahil dito, nagsisigaw ang mag-asawa ng “Pay back the money for the rice!”

Ilang beses daw pinaghi-hit ang front gate kaya nasira ang lock nito. Ito raw ay nagkakahalaga ng 200,000 KRW. At ayon pa sa balita, pumasok ang mag-asawa without permission kaya considered trespassing ito.

Nag-file ng injuction against the man si Rain nito lang February and the court cited it this April. Ayon sa korte, “The victim has suffered considerable mental pain, but he does not want to punish the perpetrator.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.