Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raket na shabu ng SK chair buking sa cellphone

0 233

TIMBOG ang chairman ng Sangguniang Kabataan (SK) sa buy-bust operation sa San Pascual, Batangas.

Kinilala ang suspek na si SK chair Lloyd Vincent Jumarang, 25, na nagmula pa sa bayan ng Cuenca.

Naaresto din ng pulis si Marcelino Cabsag, 57.

Ayon kay P/Maj. John Eric Antonio, acting chief of police ng San Pascual police, ikinasa ang buy-bust operation nang makita sa cellphone ng isang lalaki na unang naaresto na may katransaksiyon itong alyas “SK.”

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na ang naturang SK chairman ay drug pusher at kumukuha ng ilegal na droga sa isang “Sonny” na taga-San Pablo City, Laguna.

Nasa P20,000 halaga ng hinihinalang shabu at isang motorsiklo ang nakumpiska sa mga suspek. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.