Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raliyista sa June 30 aarestuhin `pag magulo

0 57

Nagbabala kahapon ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa mga magsasagawa ng kilos protesta sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr. na gagawin sa National Museum sa Hunyo 30.

Ayon kay MPD spokesperson Major Philipp Ines, papayagan lamang nila ang mga kilos protesta sa mga itinakdang freedom park sa Maynila tulad ng Plaza Miranda, Plaza Dilao, Plaza Moriones at sa Liwasang Bonifacio.

Hindi aniya papayagang makalapit ang mga raliyista sa National Museum.

Binigyang-diin ni Ines na mahigpit ang panuntunan nila na kapag nagkaroon ng matinding paglabag sa batas ang mga magpoprotesta ay ipatutupad nila ang kaukulang aksyon.

“For example, they obstruct the flow of traffic, they damage government or private equipment, we will arrest them, of course that’s another matter,” ayon kay Ines.

Nabatid na mahigit 4,000 pulis ang ikakalat ng MPD sa inagurasyon ni Marcos bukod pa sa mga manggagaling sa national at regional headquarters ng pambansang pulisya.

Maliban sa mga pulis, may karagdagan pa aniyang puwersa na galing naman sa Philippine Coast Guard at Metropolitan Manila Development Authority.

Leave A Reply

Your email address will not be published.