Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Raliyista sa Labor Day di nagpasaway

0 204

WALANG anumang insidente ng karahasan ang naitala sa paggunita sa Araw ng Paggawa kahapon, ayon sa Philippine National Police.

Sinabi ni PNP Chief, Gen. Debold Sinas na naging mapayapa kahapon ang Labor Day.

Sumunod rin aniya ang mga labor at transport organizations sa Tondo, Manila, Liwasang Bonifacio at España Boulevard sa kanilang kasunduan na voluntarily na mag-disperse at itigil na ang lahat ng aktibidad pagsapit ng tanghali.

Base naman sa monitoring ng PNP, nasa 700 ang nagprotesta sa Welcome Rotonda sa Quezon City at 250 naman ang nasa Metro Colon papuntang Plaza Independencia, Cebu City.

“We would like to thank those militant and labor groups who heeded our call to abandon their earlier plans to stage public assemblies. Our objective is to keep everyone safe,” sinabi ni Sinas. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.