Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rally, pangangampanya limitado sa 2022

0 44

Papayagan ng Comelec ang mga kandidato na makapagsagawa ng mga rally, door-to-door campaign at iba pang political activity subalit hanggang 10% lamang ng venue capacity.

Bahagi umano ito ng 250 pahinang guideline na binuo sa ilalim ng `new normal’ campaign manual na isinumite ang final draft sa House committee on suffrage and electoral reforms.

Nakasaad sa manual na tatlong kandidato lamang ang dapat na kasama sa rally, meeting, at iba pang katulad na political event. Hindi dapat lampas sa 10 indibiduwal ang organizing staff at dapat may face mask at face shield ang mga dadalo.

Iyon lamang nasa edad 18 hanggang 64 ang pinapayagan na personal na dumalo at ang upuan ay mayroong pagitan na isa hanggang dalawang metro.

Obligado rin na magsumite ng contact tracing form o personal na isumite sa Comelec sa loob ng 24 oras bago ang event.

Sa door-to-door campaign naman ay limang tao lamang sa isang grupo at dapat sumunod rin sa protocol. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.