Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rally sa SONA inaprub basta may contact tracing

0 95

Nagkasundo ang lokal na pamahalaan ng Quezon City, pulisya at grupo ng mga raliyista na susundin ang health protocol sa mga gagawing kilos protesta kasabay ng huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26.

Nabatid na nagpulong nitong Sabado sina Mayor Joy Belmonte, Quezon City Police District chief Gen. Antonio Yarra at mga grupo ng raliyista kung saan pinag-usapan ang mga dapat gawin para hindi malagay sa panganib ang kalusugan ng publiko sa gitna ng banta ng Delta variant.

Inaprubahan ng alkalde ang mga isasagawang rally sa kanilang lungsod sa kondisyon na ang mga pangalan ng lahat ng sasama sa kilos proteta ay isusumite sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) para sa contact tracing sakaling isa sa kanila ay magpositibo sa COVID-19.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi ni Belmonte,

“We were assured by the rally organizers that they would closely monitor their ranks and we consented, subject to strict adherence to health protocols,” dagdag pa ng QC Mayor. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.