Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rambo todo tanggol sa pag-okray kay Maja

0 191

NI:VINIA VIVAR

To the rescue si Rambo Nunez sa mga basher ng girlfriend na si Maja Salvador dahil sa paglipat nito sa TV5 . Inokray ang aktres sa pagtanggap ng Sunday show na katapat ng ASAP na napapanood naman sa A2Z Channel 11 at Kapamilya Channel.

Sa Instagram post ni Maja promoting TV5 show ay may mga basher na nagkomento na wala siyang utang na loob dahil tinapatan pa niya ang ASAP na dating show niya.

Dedma lang si Maja sa kanyang mga basher pero bibilib ka kay Rambo dahil talagang dinamayan niya ang girlfriend at ipinagtanggol ito sa laban sa mga pambabatikos.

Sa comment section ay makikita ang napakagandang message of support ni Rambo sa GF.

SM food to go Banner Ad

“I’m very very proud of you! People wouldn’t know how you ended up in your situation but all I can say is that you’re blessed with a very good heart. All of us who love you are right behind you all the way,” komento ni Rambo.

Sumagot naman si Maja sa supportive BF ng “ILY.”

Halatang nakatutok din si Rambo sa nasabing show dahil nag-tweet pa siya ng screenshot na nagpapatunay na trending ang nasabing Sunday show at sa caption ay pinuri niya ang aktres.

“You never fail to entertain! @dprincessmaja,” caption ni Rambo.

Bagama’t may mga basher ay mas marami naman ang natuwa na mapanood si Maja na muling humahataw sa pagsasayaw. Komento nga nila, “the queen of the dance floor is back” at napakaraming nag-congratulate sa kanya kabilang na ang mga kaibigang artista.

Leave A Reply

Your email address will not be published.