Abante Tonite Interactive

Rambulan na naman

299

Ray Mark Patriarca

Hitik na hitik sa aksyon ang local basketball scene sa nagdaang mga linggo.

Una ay nang maging tanyag ang pangalan ni Phoenix Pulse forward Calvin Abueva maging sa mga NBA player dahil sa pagkarate kay TNT import Terrence Jones.

Ngayon naman ay ang napabalitang bench-clearing rambulan ng mas mga batang manlalaro sa collegiate ranks.

Sa mga report, nagbanatan ang player ng UST men’s basketball team at Enderun Colleges sa isang invitational league.

May mga manlalaro pa umanong naospital at sugatan matapos ang gulo.
Tila nagiging normal na ata sa Philippine basketball scene ang ganitong mga pangyayari.

Sa sports, normal na magkainitan, magkagulangan, ngunit katulad ng salita, dapat sports lang.

Huwag paabutin sa kamao ang laro dahil may mas mahalaga pa kaysa sa panalo.
Paano ba maiiwasan ito?

Kung ako ang tatanungin, dapat ay masampulan ang mga nagsisimula ng rambulan, matuto sa mabigat na parusa.

Dapat ay alisin ang mentalidad na lex talionis, eye for an eye, tooth for a tooth, dahil lahat ay talo kapag laging pride ang pinapairal.
***
Patuloy pong suportahan ang sports online show ng Abante na ‘Sportalakan’ at kung mayroong gustong itanong o opinyon, maaari po kayong mag-email sa raymarkpatriarca@gmail.com.