Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Rambulan sa Batasan!

0 441

Gulo o rambol ang asahang sisiklab sa Kamara oras na magpumilit umano si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na umupong Speaker ngayong Martes, Oktubre 13, na unang araw ng special session na ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte upang aprubahan ang panukalang 2021 national budget.

Babala ito ni Camarines Sur Rep. Luis Raymund `LRay’ Villafuerte Jr., isa sa mga tagasuporta ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano.

“`Pag ginulo po nila ito, kung pumasok sila bukas (Oktubre 13) at mag-insist sila na sila ang Speaker, gulo `yan,” ayon kay Villafuerte.

Kasabay nito, sinabi rin ni Villafuerte na, “I hope puwede pang ayusin ito. If we all just sit down, follow the rules and approve the budget. And kung gusto nila, `showtime’ o rumble for the Speakership after the budget.”

Una nang pinatalsik si Cayetano bilang Speaker at iniluklok ng 186 kongresista si Velasco bilang bagong lider ng Kamara.

Subalit tinawag ni Cayetano na peke ang paghalal kay Velasco bilang bagong Speaker matapos na gawin ito sa labas ng Batasang Pambansa. Ginanap ito sa Celebrity Sports Club sa Quezon City.

Samantala, iaalok umano ni Velasco ang puwesto ng deputy speaker kay Cayetano o depende kung anong posisyon ang nais nito.

Tiniyak din ni Velasco na hindi papalitan ang majority leader post na kasalukuyang hawak ni Leyte Rep. Martin Romualdez.

“Like what I said before, the only changes that we made today is the seat of the Speaker. As to Majority Leader Martin Romualdez, I think he has the full support of the House for the majority leadership,” ayon kay Velasco. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.