Abante Tonite Interactive

Rambutan, nakakabata!

0 485

Ang rambutan o Nephelium Laapaceum ay isang tropikal na prutas na sinasabing nagmula sa bansang Indonesia. Hango ito sa salitang ‘rambut’ na ang kahulugan ay buhok.

Ang bunga nito ay may mapula, matamis, makatas, may mala-buhok na balat at ma­laking buto sa gitna.
Bukod sa pagiging masarap nito, alam n’yo bang nakakabata ang rambutan?

Ito ay dahil sa may taglay na antioxidant ang balat ng bunga ng rambutan kaya nalalabanan nito ang mabilis na pagtanda o kontra sa free radicals.

Bukod sa napipi­gilan nito ang agarang pagkulubot ng balat ay maaari ring gamitin bilang ­gamot ang ilang bahagi nito.

Ang buto ng rambutan ay may taglay na oleic acid, arachin, ­stearin at olein. Mayroon pa itong protein at carbohydrates.

Ang laman ng bu­nga ay makukuhanan ng saccharose, dextrose, at levulose. Mayroon din itong Vitamin C.
Nakakatulong na magpababa ng lagnat ang bunga ng rambutan.

May taglay ding antioxidant ang balat ng bunga ng rambutan kaya nalalabanan nito ang mabilis na pagtanda o kontra sa free radicals.

Malaking tulong din ang pinaglagaan ng bunga ng rambutan para makontrol ang ­diarrhea.

Bukod dito, nakaka­tulong din ang hinalong buto ng rambutan sa ­tubig para sa mga ­taong diabetic.