Abante Tonite Interactive

Ramdin, Hayden pangsalba ng Generika-Ayala

By
1,555

Mga Laro bukas:
(Gen. Trias Sports Center)
4 pm – F2 Logistics vs Smart
6 pm – Petron vs Generika-Ayala

Winalis ng Generika-Ayala ang Cignal, 25-22, 25-20, 25-20 kahapon sa penultimate day ng Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Pinasan nina import Darlene Ramdin at Symone Hayden ang Lifesavers upang selyuhan ang seventh spot sa quarterfinals.

Makakalaban ng Generika-Ayala ang may twice-to-beat na Petron sa quarters, ang mananalo ay sasampa sa best-of-three semifinals sa event na suportado ng Mikasa, Asics, Senoh, LGR at Grand Sport bilang technical partners.

Makakalaban ng top seed F2 Logistics ang eighth seed Smart; third seed ang Cocolife na haharapin ang sixth seed Cignal habang fourth seed ang Foton na katapat ang fifth seed Sta. Lucia Realty.
Bukas magsisimula ang quarterfinals na gaganapain sa Gen. Trias Sports Center sa Gen. Trias City, Cavite.

Miyembro ng Trinidad and Tobago national team, kumana si Ramdin ng team-high 17 points habang bumakas si Hayden ng 14 markers mula sa 13 attacks at isang block para sa Lifesavers na sinamantala ang pagkakaroon ni HD Spikers Bosnian reinforcement Sonja Milanovic ng right ankle sprain sa half ng first set.