Abante Tonite Interactive

Ramdin, Meneses umigkas

By
1,529

Nakatikim din ng panalo ang Generika-Ayala matapos magpakitang-gilas sina import Darlene Ramdin at local Ria Meneses kahapon sa Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa Imus City Sports Complex, Cavite.

Hinirang na best player of the game, nagtala si Meneses ng 13 attacks at tatlong blocks habang kumana si Trinidad and Tobago volleybelle na si Ramdin ng 26 points mula sa 23 kills at tatlong blocks upang tulungan ang Lifesavers na payukuin ang Smart, 25-21, 25-23, 23-25, 22-25, 15-11 at ilista ang 1-4 karta.

Tumikada si American reinforcement Symone Hayden ng 21 markers para sa Lifesavers na dumaan sa butas ng karayom bago nakuha ang panalo sa Smart,m lubog na sa 0-5. (Elech Dawa)