Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez aligaga sa badyet

0 89

Nag-aalala ang Philippine Sports Commission (PSC) para sa magiging pondo sa sports ng bansa na magbubuhat sa pamahalaan o General Appropriations Act (GAA) dahil sa paglobo nito sanhi ng nilipat na palaro sa taong ito sa 2022 dahil sa pandemya.

Ikinabahala rin ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na eleksiyon pa sa 2021 at may P1.6B unliquidated accounts ang maraming national sports associations (NSAs).

“Mahirap kasi na maglalaan ng pondo at gumagawa ng badyet para sa ahensiya na hindi nagmumula sa loob ng PSC kaya talagang nahihirapan kami,” hirit pa ng opisyal Biyernes, na umaasa pa rin ng sapat na pondo para sa ahensiya sa susunod na taon. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.