Abante Tonite Interactive

Ramirez: DCDM tutulong sa SEA Games-bound athletes

205

Tinalaga ni Philippine Delegation to the 30th Southeast Asian Games 2019 Chef de Mission at Philippine Sports Commission chairman William ‘Butch’ Ramirez sa unang pagpupulong bilang isang koponan ang mga respsonsibilidad ng Deputy Chefs de Mission kung saan si Stephen Fernandez ang 1st Assistant sa anim na deputy.

Nilatag ni Ramirez ang mga simpleng tagubilin na singkatulad lang at diretso sa ninanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na, “Basta tayo trabaho lang. Tulungan ang mga atleta.”

“He will be my first alternate when I am unable to attend to an official function,” sambit ni Ramirez sa 1992 Barcelona Olympic taekwondo jin at national coach na si Fernandez.

Umaasa si Ramirez sa mahabang karanasan ng anim niyang DCDMs na positibong makakatulong sa paghahanda sa delegasyon ng bansa sa kada para sa kada dalawang taong palaro na babalikatin ng bansa sa pang-apat na pagkakataon sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

Pinasalamatan naman ni Fernandez si Ramirez at ang kanyang mga kapwa DCDMs sa pagtanggap sa kanya sa grupo, “Happy to be working with such driven people.”

Ipinaalala ni Ramirez sa pulong na sundin ang iniatas mismo ng Pangulo na siguruhing maipagkaloob ang suportang kailangan at maiiwas sa nga isyu na nagaganap sa liderato ng namumuno sa sports ang mga manlalaro.

Si Fernandez ang itinalaga bilang DCDM nakaraang linggo kasama nina Philippine Rugby Football Union Secretary General Ada Milby at PSC Commissioners Fatima Celia Kiram, Arnold Agustin, Charles Raymond Maxey at Ramon Fernandez. (Lito Oredo)