Abante Tonite Interactive

Ramirez: Manila Olympic Games sisiklab sa 2020

211

Muling tutuklas ng mga world class athlete ang Lungsod ng Maynila sa tulong ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pagbalangkas ng programa sa sports kabilang ang pagbuhay sa Manila Olympic Games (dating Manila Games).

Ito ang siniwalat ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pa­nayam ng Abante TONITE Huwebes isang araw tapos makipagpulong sa bagong halal na na si Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kasama ang apat na PSC commissioner.

“We will not sale RMSC (Rizal Memorial Sports Complex). We will be partner on Grassroots Sports, Coaches Education and Sports Sciences. We will organize the Manila Olympic Games first quarter of 2020,” sabi ni Ramirez.

Kasalukuyang sumasailalim ngayon ang mga pasilidad na nasa loob ng 10,000-ektaryang lugar na kinatatayuan ng 85-taong RMSC bilang rehabilitasyon dahil sa gagamitin ding venue para sa 30th Southeast Asian Games 2019 sa darating na Nob. 30-Dis. 11.

Dineklara na ng National Historical Institute na ang RMSC ay isang he­ritage site dahil sa mahaba nitong kasaysayan sa mga isinagawang internasyonal na palaro sa bansa at pagiging parte ng turis­mo sapul ng itayo noong 1934. (Lito Oredo)