Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez may gawad pagkilala

0 54

Ginawaran ng Mindanao State University-Marawi Campus ng Doctor of Humanities Honoris Causa si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez dahil sa walang sawang kontribusyon at pagtulong sa Mindanao Sports for Peace Movement Huwebes sa MSU Convention Center sa Lanao del Sur kasabay ng 60th founding anniversary ng MSU.

Si MSU System President Habib Macaayong ang nanguna sa academic recognition kay Ramirez, kasama sina Executive Vice President Rasid Paca, Vice President for Academic Affairs Dr. Alma Berowa at Vice-Chancellor for Academic Affairs Alizedney Ditucalan.

Related Posts

“You have touched the hearts of many. On behalf of the whole MSU System community, we honor the unrelenting support you have afforded our institution,” ani Macaayong.

May kababaang loob na tinanggap ang karangalan at pinasalamatannaman ni Ramirez si Macaayong at ang buong MSU sa pagkilala sa kontribusyon ng PSC sa pamantasan at sa hakbang para sa Mindanao Sports for Peace. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.