Abante Tonite Interactive

Ramirez namigay sa mga health worker ng mattress

407

Hindi lang mga national athlete ang tinulungan ng Philippine Sports Commission (PSC), kundi ang iba pang mga nangangailangan sa kritikal na panahong kinakaharap ng bansa na dala ng coronavirus disease o COVID-19.

Namahagi ang ahensiya ng gobyerno sa palakasan ng 90 mattress para sa apat na institustyon na magagamit ng mga stay-in health worker na mga nangunguna sa pakikipaglaban para masugpo ang nakamamatay na sakit.

Ibinahagi ng PSC ang mga kama sa tulong ni Philippine Swimming Inc. (PSI) president Leilani Velasco kay Dr. Susana Campos, na dating medical director ng Medical Center Manila (MCM).

Ipinaalam ni Dra. Campos na ang hindi inaasahang blessing ay ipapamahagi naman nina sa MCM, Emilio Aguinaldo College Medical Center Cavite (EACMCC), Fe Del Mundo Medical Center (FDMC), at Capitol Medical Center (CMC).

“The health workers in these institutions have opted to stay in-house to conform with quarantine requirements and avoid the transportation difficulties,” Campos sa sulat kay PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez kahapon.

“These mattresses will provide the exhausted frontliners some physical comfort when they have their rest periods,” dagdag naman ni Velasco sa donasyon ng PSC. “All I did was asked PSC and they gave me what I asked for right away.”

“All mattresses will be put to good use,” panapos na sambit ni Velasco. “Thank you PSC for the help you’ve been providing to our athletes and now to the frontliners. Much love and appreciation.”

Una nang nagdonasyon ang sports agency ng 100 mattresses sa UP Genome Center volunteers.

Isang testing center ang kasalukuyang itinatayo sa reseach institute sa Quezon City na nangangailangan din ng mga higagan para makamit ang requirements.

Hinati naman ang donasyon para sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM na nasabing lungsod din. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad