Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez, Ochoa reyna sa jiu jitsu

0 43

Pinatunayan ng Philippine national jiu jitsu team na kaya nilang muling dominahin ang 31st Southeast Asian Games tulad ng nagdaang edisyon ng makipagbrasuhan para sa gintong medalya sina world champion Annie Ramirez at Meggie Ochoa sa Dan Phuong Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Dinaig ng 31-anyos na dating 2019 Abu Dhabi World Pro champion si Orapa Senatham ng Thailand sa women’s under-62kgs Gi category upang makuha ang kanyang ikalawang gintong medalya sa SEA Games matapos ibulsa ang kampeonato noong 2019 edisyon sa women’s 57kgs division.

Napunta naman ang tig-isang bronze medal kina Fiona Toh ng Singapore at Tu Nguyen Ngoc ng Vietnam.

Naging matindi ang pinagdaanang sakripisyo at paghihirap ng dating two-time UAAP judo MVP mula sa UST Lady judokas at international at national jiu jitsu champion nang gumawa ng paraan upang makapagsanay sa ibang bansa, partikular na sa Unity Jiu Jitsu School sa New York City sa Estados Unidos noong nagdaang buwan bilang preparasyon at paghahanda sa biennial meet.

Naghanap ito ng mga malalakas na ka-sparring sa naturang lugar matapos na hindi makapagsanay sa ibang bansa dahil sa mga paghihigpit dulot ng COVID-19 pandemic. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.