Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez: Olympic dream matutupad

0 34

Dumating na sina Philippine Sports chairman William ‘Butch’ Ramirez at Chief of Staff Marc Edward Velasco sa Tokyo, Japan Huwebes at nagpahayag ng kahandaan para i-cheer the ang 19 na Pinoy athlete na kakasa sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na magbubukas ngayong Biyernes.

May distinction bilang chairman sapul nang itatag ang PSC noong 1990 na nanguna sa kampanya ng bansa sa tatlong Olympics (Beijing 2008, Rio de Janeiro 2016 at Tokyo 2020), ipinahayag niyang may kababaang loob siyang kinatawan ng milyong Pinoy na dumadalangin sa tagumpay ng mga manlalaro.

“The quadrennial meet will be under a very different circumstances, but know, that you, athletes, are not alone as millions of Filipinos back home will be glued to their screens, cheering and praying for you. Today, I am not just a sports official, I am a father, proud to see his children achieve and see that their dreams are within reach,” hirit ni Ramirez.

Nasa likod ang PSC sa 19 Olympian para sa paglalakbay sa quadrennial sportsfest, iniangat sila sa antas ng world-class base sa kanilang mga ipinakita sa iba’t ibang international competition. (Abante TONITE Sports)

Leave A Reply

Your email address will not be published.