Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez pinag-iingat mga atleta

0 199

Pinaalalahanan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga atleta at kawani ng ahensya sanhi nang pagtaas ng kaso ng coronavirus variant sa nakalipas na linggo sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Kapapatupad lang ng 10-workday lockdown sa dalawang pinamamahalaang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at PhilSports Complex sa Pasig noong Martes, pina-disinfection din agad ng top government sports official ang mga kasabay sa paghihihigpit pa sa health at security protocols.

Naalarma ang sports chief sa pagsipa sa bilang ng kaso ng COVID-19 na namataan sa huling isinagawang testing kung saan kabilang dito ang mga nagpositibong 80 empleyado at manlalaro.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“We sent all athletes home even before the imposition of the first lockdown last year,” ani Ramirez kung saan wala na ring atleta na nagsasanay o nananatili sa mga pasilidad ng ahensya.

Ginagamit pa rin ngayon bilang ‘we heal as one centers’ ang dalawang sports complex. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.