Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez pinalakas ang loob ng mga Olympian

0 189

NAGLAAN si Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez ng importanteng oras para makausap ang mga Olympic-bound na sina Carlos Yulo, EJ Obiena, Eumir Felix Marcial at Irish Magno sa pamamagitan ng isang Zoom call Biyernes ng gabi.

“Kamustahan lang dahil na-miss namin kayo,” sabi ni Ramirez sa mga pambansang atleta dalawang buwan halos na lamang ang natitira bago matapos ang taon.

“This is nothing formal. Gusto lang namin kayong makita kasi noong nag pandemic, we were worried. I’m happy that all of you are alright and well,” sabi pa ni Ramirez.

Mula sa Italy na anim na oras naiiwan sa Manila ay sinabi ni Obiena na nakadagdag ito ng bigat dahil sa pandemic. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.