Ramirez pinasalamatan AFP

Pinasalamatan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang Armed Forces of the Philippines sa krusyal na kontribusyon ng mga military-athlete sa pagwawagi ng mga medalya sa natapos nitong Lunes na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
“We thanked the Armed Forces of the Philippines for these athletes. The contributions of the AFP proved vital to our success in the SEA Games,’’ wika ng opisyal Huwebes.

Nag-uwi ang Team Pilipinas ng 52 ginto, 70 pilak at 104 tansong medalya upang paumang-apat sa sa medal standing na best finish, na hindi isinagawa sa Pilipinas ang paligsahan sapul nang pumangalawa sa noong 1983 Singapore SEA Games
Ilan sa mga militar na atleta nan aka-gold ay sina Olympic weightlifting champion Hidilyn Diaz ng Philippine Air Force, trackster Clinton Bautista ng Philippine Navy at boxers Ian Clark Bautista (PN) at Eumir Marcial (PAF), muaythai sina Phillip Delarmino (PN) at women’s basketball players Janine Pontejos at France Mae Cabinbin ng Philippine Army at Marizze Andrea Cabinbin ng Navy. (Lito Oredo)