Abante Tonite Interactive

Ramirez positibo sa mga SEAG athlete

103

Umaasa si Philippine Sports Commission Chairman William “Butch” Ramirez na sapat ang paghahanda ng mga national athlete para sa inaasam muling pagsungkit ng bansa sa pangkalahatang titulo sa nalalapit nitong 30th Southeast Asian Games 2019.

Ipinaliwanag niyang tama ang lahat ng pagkampanya sa internasyonal na torneo ang at mahabang paghahanda para sa ninanais na tagumpay ang inaasahan nila tapos ng SEA Games sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Almost 75 percent of the athletes each of the National Sports Associations have recommended and undergone the needed international experience,” sabi ni Ramirez sa pagdalo nito sa SCOOP On Air Forum. “No, we don’t have the Sports Godfathers now but we relied on providing our athletes the much needed training and exposure necessary.”

“With President Digong, we in the PSC are happy to say, is leaving no stone unturned in seeing to it that the Games we are hosting for the fourth time, will be a resounding­ success not only in the actual staging the Games but, likewise, in the performance of our athletes,” hirit pa niya.

Ikalawang pagkakataon ni Ramirez na tatayong chef de mission, na unang ginampanan noong 2005 SEAG, kung saan nakamit ng Pilipinas ang unang pangkalahatang kampeonato sa kada dalawang taon na paligsahan.

Ang nasabing programa na pagbibigay ng tamang paghahanda at pagkakaloob sa mga pangangaila­ngan ng bawat alteta na sasabak sa torneo ang isinagawang muli ni Ramirez at PSC para maipakita ang galing mga atletang Pinoy. (Lito Oredo)