Abante Tonite Interactive

Ramirez, PSC inaksiyunan ang problema sa SEA Games

257

Naghayag ng suporta sa 59 National Sport Associations (NSAs) si Chef de Mission at Philippine Sport Commission (PSC) Chairman William Ramirez hinggil sa paparating na 30th Southeast Asian Games sa 3rd Team Philippines Consultative Meeting Huwebes sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

“Our objectives are bigger than us, so together we will make whatever seems impossible — possible. It’s by continuous conversation that we find solutions,” panimula ni Ramirez.

May 53 sa 59 NSAs ang dumalo sa forum kung saan nabatid na ang pangunahing kailangan ng karamihan ay mga sports equipment, pag-eensayuhan ng mga sasabak sa paparating na event at ang mga pagdarausan ng kompetisyon.

“Ang main problem po namin is the specs of the park event. The contractor gave us the design, basically, a drawing but we were asking for a detailed plan for sections and everything so that we know the depth, the height, the area and everything,” ani Skateboarding and Roller Sports Association of the Philippines president Monty Mendigoria ukol sa on-going construction ng skate park sa Tagaytay City.

Agad naman itong kinonsidera ni Ramirez at sumuporta sa pagbigay aksyon upang masolusyonan ang problema.

“These are the things na titignan ng organizing committee (PHISGOC), PSC and POC. We need to immediately solve the problem. I hope we could find the solution on that skateboarding today. Kung may problema pa yung iba, do not hesitate to call our attention,” panawagan ni Ramirez.

Bukod dito ay natalakay rin ni niya ang pagresolba sa pagkakaroon ng delayed marketing promotion at agad naman itong aaksyunan upang tangkilikin ng mamamayan.

“Despite the delay of the marke­ting promotions on the SEA Games, we were be able to be resourceful in some and was able to have promos on the billboards,” panapos ni Ramirez. (Aivan Denzel Episcope)