Abante Tonite Interactive

Ramirez, PSC palalawakin ang 3rd Children’s Games

260

Palalawakin ni Phi­lippine Sports Commission (PSC) Chairman William Ramirez ang pagsasagawa ng Children’s Games (CG) para sa edisyon ngayong taon.

Sisimulan ang 3rd CG ‘Sports for Peace 2019’ ngayon sa Bangued, Abra na tinatayang lulusubin ng mahigit 500 kabataan.

“We are starting 2019 with the same purpose, but with a greater motivation to expand the reach of the PSC by conducting the Children’s Games all over the country,” bulalas ni Ramirez kahapon.

Aktuwal na pinasimulan na ng sports agency ang pinarangalan ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na programang ito na sinilang noong 2017, na may apat na araw sa training sports volunteers sa Ate/Kuya Workshop, bago ang game proper.

Sinabi ni Philippine Sports Institute Deputy Director for Grassroots Marlon Malbog na may napagkasunduan sina Ramirez at Abra Gov. Jocelyn Bernos para makapagdaos ng CG sa lalawigan.