Abante Tonite Interactive

Ramirez, PSC sinama sa AFP reserve command

0 153

Magiging bahagi na si Philippine Sports Commission Chairman William Ramirez at Board of Commissioners ng Armed Forces of the Philippines’ Reserve Command nang tanggapin ang imbitasyon ni AFP Special Services Chief Col.

Taharudin Ampatuan sa Military-Athletes and Coaches Fellowship nitong Lunes sa Rizal Memorial Sports Complex.

Inihayag ni Ampatuan ang bagay sa harap ng 106 military-athletes at coaches ng Philippine Army, Philippine Air Force, Philippine Navy at Philippine Coast Guard na mga dumalo sa pagtitipon.

“To seal the AFP’s long-time partnership with the PSC, I am welcoming PSC Chairman Ramirez and our Board of Commissioners to be part of our military reserve force,” lahad ni Ampatuan.

Kinilala ni Ramirez ang espesyal na kalagayan ng mga sundalong atleta.
“The PSC lauds the discipline of our athletes in the Armed Forces. I look at you to lead your co-athletes in discipline and performance,” aniya.

Pinabatid din ng hepe ng PSC sa mga nagsidalo ang pagtatas sa allowances ng mga manlalaro’t coach, gayundin ang pagbubukas sa mga bagong kumpu­ning Nutrition Hall at iba pang mga pasilidad sa RMSC sa Malate, Manila, PhilSports Complex sa Pasig at sa Baguio.

“For the first time in 29 years, the PSC is able to provide you all these service all at the same time,” panapos ni Ramirez.

Tiniyak ni Ampatuan ang pakikiisa ng AFP at soldier-athletes sa PSC.
“The AFP assures the PSC and our soldier-athletes of its total cooperation. The AFP is part of the general effort of the government for peace and development,” wakas niya.

Nakatakdang aprubahan ng PSC Board ang P100K at P500K na mga tulong pinansiyal para sa AFP Mini Olympics sa May at AFP-PNP-PCG Olympics sa September, ayon sa pagkakasunod.