Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramirez, PSC suportado Gilas

0 128

Hindi pababayaan ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang mga national athlete, lalo na sa training gaya ng Gilas Pilipinas na naghahanda sa dalawang malaking kompetisyon sa June.

Ayaw mang ipabanggit pa, pero inaayudahan din government sports agency ang Gilas cadet pool para payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease na makapagpatuloy ng training bubble simula Lunes sa Calamba, Laguna at ang ilang mga naghahabol pa sa Tokyo Olympic qualifying events.

“Kami naman sa PSC, kung ano ang kailangan ng mga atleta natin, tutulong at tutulong ,” wika ng opisyal na sinulatan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Inc. (SBPI) president Alfredo Panlilio sa pagsiwalat sa istriktong protocol pinadala at aprubahahan ng Task Force.

Kumpiyansa rin si Ramirez sa magiging resulta sa Clark window ng FIBA Asia Cup Qualifiers at sa Belgrade Olympic Qualifying Tournament. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.