Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramon nasiyahan, nainis sa anomalya

0 315

Galit pero masaya si Philippine Sports Commission, (PSC) officer-in-charge Commissioner Ramon Fernandez sa nadiskubreng sa ‘payroll padding’ scam kamakalawa.

Dinakip at kinulong na si Paul Michael P. Ignacio noong Martes ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Fernandez, nalulungkot at nagagalit pero may halong saya siya dahil nabisto ang masamang gawain ni Ignacio sa pagdeposito sa kanyang pangalan ng mga allowance ng national athletes at coaches.

“I was sad, I was mad and I was happy because finally, again we discovered things like this, ” saad ni Fernandez sa press conference kahapon.

Naniniwala si Fernandez na may mga kasabwat si Ignacio dahil hindi nito magagawang mag-isa ang kabulastugan.

“There might be other people involved in this case because he definitely cannot do it on his own,’’ wakas na wika ng opisyal. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.