Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramon S. Ang: Magtiwala sa gobyerno ngayong pandemya

0 483

Kailangang magtiwala tayo sa gobyerno ngayong mayroong pandemya, ayon kay San Miguel Corporation (SMC) president at chief executive officer Ramon S. Ang.

Inihayag ito ni Ang kasabay ng paglilinaw na wala siyang tinutukoy na tao sa gobyerno at wala ring pinahiwatig na mayroong korapsyon sa pamahalaan nang magsalita siya sa pagbubukas ng pinagawa nilang COVID-19 testing center sa Better World EDSA.

Binanggit ni Ang bahagi ng kanyang ipinahayag na: “Lahat sila kumikita sa gobyerno, lahat sila kumikita sa bayan, pero puro pakitang tao.”

“I was referring to some private individuals or groups who are taking advantage of the crisis and charging unjustifiably high prices on consumers looking for ways to protect themselves, who are donating to various causes but can actually do more,” ayon kay Ang.

Inulit ni Ang ang kanyang sinabi na: “Kailangan natin totoong tumulong, hindi `yong bola lang. Ang importante, tayong lahat, manatili tayong mag-trust sa gobyerno.”

Hindi aniya kakayanin ng kahit anong gobyerno at kahit ng mga mayayamang bansa na harapin sa sarili nila ang mabigat na problemang kinakaharap ngayon ng buong mundo.

“Kahit na anong gobyerno sa buong daigdig, even the richest countries in the world cannot handle this problem by themselves. Kailangan ng businessman, ng taong-bayan na tumulong para together we can solve this problem,” sabi ni Ang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.