Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ramon S. Ang pinarangalan ng AFP

0 75

BINIGYANG pugay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si San Miguel Corporation President and Chief Operating Officer, Ramon S. Ang dahil sa kanyang naging kontribusyon sa laban kontra sa COVID-19 pandemic.

Ginanap ito sa General Headquarters Building ng AFP sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.

Nagbigay si AFP Chief of Staff, Lieutenant General Gilbert I. Gapay ng Plaque of Appreciation kay Ang, kung saan ang humalili sa kanya ay si Retired Colonel Ariel O. Querubin, ang Vice President and Special Assistant ni Ang.

Kinilala ang naging suporta ni Ang sa kanyang naging mabilis na pagkilos at pagtulong sa “State of Public Health Emergency” at pagtulong sa “National Action Plan” para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 pandemic.

“When COVID-19 hit our country hard, the San Miguel Corporation was fully aware of the uncertainty of the situation and was among the industry leaders who quickly responded and supported government efforts in mitigating the effects of this global pandemic,” sinabi ni Gapay.

Nagbigay ang San Miguel Corporation ng donasyon sa Department of National Defense at sa AFP ng construction materials at amenities para sa pagtatayo ng emergency quarantine facilities (EQF) sa military camps sa buong bansa.

“These facilities will be very beneficial for our soldiers, civilian human resource, and their dependents who are affected by COVID-19. This would also help us keep the levels of infection in our organization to a minimum. Rest assured that we will reciprocate your efforts by ensuring that we continue to perform our mandate,” dagdag ni Gapay. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.