Abante Tonite Interactive

Ramona mahirap ang pinagdaanan sa triplets

0 153

Ni: Rodel Fernando

Bago pa man nawala sa limelight si Ramona Revilla ay may maganda siyang showbiz career sa Pilipinas. Marami ang nagtaka kung bakit bigla na lang siyang hindi na­ging aktibo. Ano nga ba ang dahilan at iniwan niya ang lokal na aliwan?

“It’s like an… nasa limelight ako ng showbiz na malaki na ang kita, nakaipon nako. May time na ‘yung offer is medyo hindi ko na kaya. Hindi na’ko lumalaban ng sobrang sexy and that time naman may ipon na’ko at na-divert ko na ang mga show sa States, sa abroad,” simula ni Ramona sa panayam ng Showbiz Pa More (online show ng Abante Tonite) na ang host ay ang inyong linkod kasama sina Rommel Placente at Rona Ronda.

Iniwan ang showbiz para bumuo ng pamilya

“Na-realize ko na kahit ganoon kadami ang pera like ipon na lang ako nang ipon that time, still something missing. So, I said, like I guess kung pabalik-balik ako sa showbiz minsan dito, minsan sa ibang bansa hindi ako makakakuha ng family na gusto ko.

“Finally, nag-decide ako na iwanan ko muna ang showbiz at dito (bumuo ng pamilya) ako mag-concentrate and then I guess, I would find happiness here,” tumbok pa ni Ramona.

Bumuo ng pamilya ang dahilan ng pag­lisan niya sa showbiz. Isang naval engineer na taga-Amerika ang napangasawa niya sa katauhan ni Frederick Farell. Long distance relationship ang naging takbo ng kanilang pag-iibigan.

Paano nga ba nabuo ang pagmamahalan nila ni Frederick?

“Nag-abroad ako noong 2008. Nagbakasyon ako sa States. Co-worker siya ng uncle ko. Pinakilala siya sa akin ng uncle ko and then on ‘yun ang start ng love story.

“Nag-dinner date kami at sabi sa akin ay na-love at first sight daw siya sa akin. Sabi niya, paano raw magiging kami. Sabi ko puntahan niya ako sa Pilipinas.

“After six months, pumunta siya sa Pilipinas na never pa nakapunta, wala siyang alam dito. Binigyan ko naman siya ng good treatment. At that time, I don’t wanna settle down. Sabi ko sa mommy ko, gusto ko pa nito, gusto ko pa rin niyan. Sabi ng mommy ko you’re not getting any younger anymore. At least ito educated,” kuwento pa niya.

Hindi umabot ng taon ang panunuyo sa kanya ni Frederick. Dahil sa magandang katangian nito ay hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Ramona at sinagot na niya ito.

Ikinasal sila noong November 4, 2011 sa Seventh Day Adventist Church sa Pasay City.

Sa buhay pamilya naman niya ay nabiyayaan sila ni Frederick ng ma­lulusog, magaganda at mga cute na triplets. Sila ay sina Fersiana, Frederie at Freohsyl. Grabe ang pinagdaaanan niya mula sa pagbubuntis at panga­nganak.

“Naku sobrang hirap pagbubuntis ko parang you know my kids is my life but if you gonna ask me to be pregnant again with triplets, no! It’s so hard, it’s so hard ‘kala ko mamamatay na ko. I was in labor for like 2 days in Makati Med. Sobrang tagal talagang lumabas sila for 35 weeks only so premature sila. Ang liit nila kasi nga triplet but they all worth it kahit ang hirap ng pinagdaanan ko.”

‘Di pipigilan ­mag-artista ang mga anak

Limang taon na ang edad ng mga anak ni Ramona pero wala pa silang balak sundan ang mga ito.

“For now okey na muna baka maging tatlo uli. Hahaha! It’s okay for now because it’s handful, it’s expensive. Three of ­everything.”

Hindi rin niya pipigilin ang mga ito kung gusto nilang mag-showbiz.

“Personally ako ayoko na talaga but the kids every time we go out ay pansinin talaga sila. Tinatawagan sila. Ako nga ang hirap ng pinagdaanan ko pero sila tinatawagan pero not full time.”

“Hindi full time kasi everywhere we go laging may nag-i-stop at sabi ang gaganda ng mga bata. I’m so blessed that I have three girls, I don’t want to deprive them. Hindi puwedeng ganyan. I think they’re really like it.”
Masasabing napakasaya ngayon ni Ramona lalo na sa family life niya.

“Sobrang taas ng happiness ko. Wala nakong hahanapin pa. ‘Yung pinangarap ko natupad ko. I have husband. I have ­everything,” pagwawakas niya.